Friday, October 12, 2012

OFW Ka Ba na Tulad ni JUAN, Adik sa Facebook?

                 Kuwento ko lang ang aking naging kasama sa abroad, itago natin sila sa pangalan na Juan at Pedro . Masyado silang naging adik sa paggamit ng internet, facebook, dota,  anu-ano pang mga bagay  na pinagkakaabalahan sa internet. Minsan nga talagang nalilipasan na ng gutom makapag-internet lamang. Madalas laging puyat, ilang oras lang natutulog dahil talagang laging babad sa internet. Sampung oras sila nagtatrabaho sa  company, tapos paglabas nila galing sa work, internet kaagad....sobra addicted na talaga. Sabagay hindi nman natin sila masisi, kasi iyon lang naman talagang libangan nila bilang mga OFW.

               Marahil, nakakarelate din kayo sa kwento ko, kasi tayong mga OFW, halos laging online, kailangan natin maglibang upang makaalis ng homesick. Malaking tulong kasi ang internet sa ating buhay-ofw ngayon,  araw-araw na pwedi mong makikita at makakausap ang iyong pamilya.

           Tanda ko noong una kong tapak sa abroad, sa SAUDI- ang disyerto ng middleast, 10 years ago. Ang uso pa noon ay ang sulat, sobra busy kami noon sa pakikipagpenpal, paramihan ng sulat, yun nga lang halos isang buwan bago ka makatanggap ng bagong sulat at nakikipagkuminikasyon ka na sa picture mo lang nakikita. I know, marami din ang nakakarelate dito, pero ito kasi ang way para makaiwas sa homesick.

          Balikan natin ang kwento ko tungkol  kay Juan sobra addict sa internet. Akala ko  siya na ang hari  ng internet, yun pala may katapat sya, si Pedro  naman, halos pareho sila na addicted sa paggamit ng internet.Pero ang pinagkaibahan lang nila, ay kung ano ang pinagkakaabalahan  nila sa pag-iinternet.

          Si Pedro naman pala ay mga mga pinagkakakitaan sa paggamit ng internet kaya madalas siyang laging online at laging nakikipagkaibigan sa facebook. Kung si Juan ay napupuyat lang sa wala nman kabuluhan sa pag iinternet, itong si Pedro naman pala ay kumikita habang gumagamit ng internet at facebook..... kung iisipin natin, WISE pala si Pedro.

          Sabay na natapos ang kontrata ng dalawa at halos magkasabay din silang umuwi ng Pinas. Si Juan, walang masyadong naging ipon, kasi madalas na absent sa trabaho, nagkakasakit, kasi nga sobrang magpuyat eh. Sabi nga niya pagkauwi  ng Pinas, magpapahinga lang siya ng ilang buwan at mag-aaplay ulet pabalik sa abroad. Samantalang itong si Pedro naman, nagpasya na lang muna na mag for good sapagkat may sapat naman daw siya na ipon at may negosyo na magagawa nya ng nasa bahay lang, habang kasama nya ang kanyang pamilya. 

          Marahil nakakarelate kayo sa kwento ko di ba? Kasi halos karamihan sa ating mga OFW ay mga addicted na din talaga sa internet. Mahirap ang mabuhay sa abroad ng walang internet. Pero kung papipiliin kita, kung sino ang pipiliin mo sa dalawa sino ang pipiliin mo, si Juan ba o si Pedro?

          Tama naman kasi ang sabi ni Pedro, kung OFW ka na laging gumagamit ng facebook at internet, bakit hindi mo ito gamitin para kumita ng extra. Kaya nga tayo nag-abroad diba, para makaipon at para matupad ang ating mga pangarap. Kasi sabi nya, malaking tulong ba syo bilang isang OFW kung may extra income ka kada buwan? Malaking tulong na ba ito para sa buwanang pinapadala mo sa Pinas, o sa buwanang savings mo? Maganda pa daw dito, kung makakapagsimula ka ng isang homebased business habang kumikita ka ng dolyar dito sa abroad, kpag umuwi ka ng Pilipinas, sure na may pagkakakitaan ka at hindi mo na kailangan na mapalayo sa pamilya. Okey naman ang payo ni Pedro di ba?

          Kaya ikaw? sino ang gusto mong maging sa dalawa, si Juan ba o si Pedro? Kung si Pedro ang sagot mo, hayaan mong i-share ko sa iyo ang isang opportunity na pweding magbigay sayo ng extra income habang gumagamit ka ng internet. Malay natin, ito na rin ang maging daan para tuluyan na tayong hindi mapalayo sa ating pamilya. Masarap ang nasa piling ng mga mahal sa buhay, lalo na kung may sapat na pagkakakitaan...

         Kung interesado ka sa opportunidad na sinasabi ko, maari mong panoorin ang video na ito na magtuturo syo kung papaano. ( Click the Photo to watch the video)




No comments:

Post a Comment