Sunday, October 21, 2012

Buhay Abroad: Pangarap o Paghihirap?

          Kung papasyal ka sa POEA at sa mga Overseas Manpower Agency sa Manila, dagsa ang mga kababayan nating mga aplikante na nagbabakasakaling makaalis at makapagtrabaho sa  abroad. Kadalasang reasons nila ay ang kawalan ng hanapbuhay sa ating bayan at upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.

          Karamihan sa ating mga kababayan na umaalis papunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay ay handang makipagsapalaran kapalit ang maayos na pamumuhay. Tanging lakas ng loob  ang sandata at bitbit ang mga pangarap at pag-asa para sa pamilya.

         Bilang isang OFW sa loob ng halos mahigit na walong taon, sari-saring  mga kuwento na sumasalamin sa buhay ng mga OFW ang aking nasaksihan. ang buhay na hindi biro at puno ng pagsasakripisyo. Sa mga panahong iyon, masasabi ko din na ang magtrabaho sa abroad ay parang isang sugal, nakataya ang iyong kapalaran sa pagkat umaalis ka ng walang kasiguraduhan sa bansa na pupuntahan.

          Tunay nga na sila ang mga bagong bayani ng bayan, hindi lamang dahilan sa kanilang mga remittances, sapagkat sa kanilang buong pusong pagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.  Sa halos sampung kababayan natin na nakakausap ko, halos anim-wal0 sa kanila ang nagtitiyaga lamang sa mababang sahod, nagtitiyaga sa hindi maayos na working condition, subalit pinagtitiisan nila para sa mga pangarap nila.

          Ano nga ba ang silbi ng pagiging isang OFW kung ito nman ay puno ng paghihirap?Kya nga umalis ay upang guminhawa, pero bakit pagsasakripisyo ang naging kapalit? Ano nga ba ang tunay na diwa ng pag -aabroad, para ba sa Pangarap o para sa Paghihirap?

          Kung mapapansain po natin ang ating mga kababayan, abroad-bakasyon, uwi-abroad, yan ang nagiging buhay nila, sapagkat kapag nag-abroad ka, hindi nman ganon kadali lang kimita ng pera. Sabi nga nila, "Hindi kami bangko".

        Isa ito sa  Reality -Life check ng mga OFW sa Dubai.
        
        Even Filipino Working Abroad Struggling For Money as a Surveys Says...

       Normal Income of OFW         = dhm. 3,000 x (11.5)
             
               Monthly padala :  dhm. 1,500
               House Rent       :  dhm     500
               Food                 :  dhm     300
               Elec/water       :   dhm.    100
               Celphone load  :   dhm.    100
                _______________________
               Total :     dhm. 2,500 expenses

               SAVINGS = dhm. 500 ( Hopefully every month.

                  How Much Money You Take Home?
                  - ave. working year  abroad of OFW  is 10 yrs.
                 -  500 dhms x 12 mos= 6000 dhm
                - 6000 dhms x 10 years = 60,000 dhms
                - 60,000 x 11.5= P 690,000




                  Tanong mga kabayang OFW...


                - after 10 yrs, ano ang kayang magawa mo sa P690,000?

                - magkano ang present salary mo?

                - magkano ang present monthy savings mo?

                - kaya mo ba tumagal ng 10 yrs o mahigit pa sa abroad?

       
          Paano mo maaabot ang simpleng buhay na gusto mo? Ilang taon at magkano ang savings  mo kada buwan para pwedi ka na umuwi sa Pinas at mag settle down kasama ang iyong pamilya sa simpleng buhay na pangarap mo?

          It's the right time live in reality mga kabayan. Working abroad is just to sustain the needs of our family  at hindi para sa katuparan ng ating mga pangarap. Ilang OFW na ba ang nakilala mo na after 5 ay umuwi na at nag for goods na? Ilang Ofw na din ba ang nakilala mo, na halos mahigit limang taon ng pabalik-balik sa abroad, kailangan kumayod, at magsakripisyo upang maitaguyod ang pamilya?

          Mga kabayan, , walang masama sa pagiging OFW natin sapagkat ito ang paraan na ibinubuhay natin sa ating pamilya, pero mas maganda po sana if magiging bukas ang ating isipan sa pagnenegosyo. Maari po tayong magsimula ng negosyo habang nagtatrabaho dito sa abroad, para sa panahong maisipan nating umuwi na s a Pinas, mayroon tayong pagkakakitaan.

        Wala na pong sasarap pa sa buhay na kasama natin ang ating pamilya , may sapat na pinagkakakitaan at may oras para sa isat -isa.

        Kung interesado ka kabayan na magkaroon ng isang negosyo, nakahanda po kaming tumulong at gabayan kayo. Panoorin nyo lang po ang video sa baba, para magkaroon kayo ng idea.


        " Kung Gusto mo ng Pagbabago, Kailangan na may Gawin ka na Bago".....


           




No comments:

Post a Comment