Tuesday, October 30, 2012

Bilang Isang OFW, Bakit Kailangan Mo Magnegosyo?

          Bilang  OFW, bakit nga ba kinakailangan na matuto o maging bukas ang  kaisipan sa pagnenegosyo? Simple lang naman ang kasagutan, dahil hindi  habang panahon ay pwedi tayong maging isang OFW. Balikan  natin  kung bakit tayo nagpasyang umalis at magtrabaho dito sa abroad, di ba kawalan ng trabaho sa ating bansa ang dahilan? Kung maisipan natin ang mamalagi sa Pinas, kailangan natin ang isang negosyo para magkaroon ng pagkakakitaan.  Ito ang mga dahilan kung bakit kailangan nating  magnegosyo. 

1. Wala kang babayarang katakot-takot o uutangin na placement fee. Karamihan sa mga OFW ay gumagastos ng malaki bago sila makaalis papunta sa ibang bansa. Kung magnenegosyo tayo, hindi na natin kakailanganin ang gumastos o umutang ng malaki para lang makipag-sapalaran.



2. Hindi mo na kailangan mangibang bansa para kumita ng  dolyar. Di na kailangan ang mawalay sa iyong mga mahal sa buhay. Gaano kasarap  ang pakiramdam na kasama mo ang iyong pamilya, may sapat na pinagkakakitaan at may oras ka para sa kanila?

3. Hindi mo na kailangang magsilbi sa iba, sa negosyo mo ikaw ang amo, at magkakaroon ka pa  ng oras sa pamilya mo. Nakakalungkot isipin, maraming tayong mga kababayan na halos parang alipin na kung ituring ng kanilang mga amo, mahabang oras ng trabaho, walang day-off, overtime na walang bayad, wala naman  magawa kundi ang magtiis sapagkat kailangan ng hanapbuhay. Kung magkakaroon tayo ng sariling negosyo, hindi na  dadanasin ang ganong sitwasyon sapagkat tayo na ang amo.. 


4. Magiging buo ang iyong pamilya at mabibigyan mo ng maayos na patnubay ang iyong mga anak dahil kapilang mo sila. Maraming anak ng mga OFW ang mga naliligaw ng landas sapagkat nangangailangan sila ng kalinga at pag-aalaga ng isang magulang. Kung nasa piling tayo nila, mapapalaki natin sila ng maayos at magagabayan sa tama at wastong pamumuhay. Di ba ang sarap kung buo ang iyong pamilya, may-bonding at may oras para magsama-sama?


   
          Kung ikaw ay isang OFW, habang ikaw ay nasa ibang bansa, maari ka na rin magsimula ng negosyo sa Pinas. Sa negosyo mo, hawak mo ang oras mo, ikaw ang may pasya kelan mo gagawin at magkano ang gusto mong kitain. 

          Hindi mo ba gugustuhin ang magkaroon ng isang negosyo na siyang pweding magbigay sayo ng pagkakakitaan para hindi na kailangan pang  mag-abroad? Isang negosyo  na pweding gawin habang nagtatrabaho ka pa dito  abroad, sapagkat pweding gawin ito sa bahay lang, o kahit saan, kasi pwedi itong online, sa facebook, twitter, ym, skype, ym o you-tube man....

          Kaya kung interesado ka na makapagsimula at magkaroon ng isang negosyo para pag -uwi mo sa Pinas ay mayroon ka ng pagkakakitaan, nakahanda ka namin tulungan, panoorin mo lang ang video sa link na ito....

       <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<http://livelibiz.blogspot.com/>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>













No comments:

Post a Comment