Tuesday, October 30, 2012

Bilang Isang OFW, Bakit Kailangan Mo Magnegosyo?

          Bilang  OFW, bakit nga ba kinakailangan na matuto o maging bukas ang  kaisipan sa pagnenegosyo? Simple lang naman ang kasagutan, dahil hindi  habang panahon ay pwedi tayong maging isang OFW. Balikan  natin  kung bakit tayo nagpasyang umalis at magtrabaho dito sa abroad, di ba kawalan ng trabaho sa ating bansa ang dahilan? Kung maisipan natin ang mamalagi sa Pinas, kailangan natin ang isang negosyo para magkaroon ng pagkakakitaan.  Ito ang mga dahilan kung bakit kailangan nating  magnegosyo. 

1. Wala kang babayarang katakot-takot o uutangin na placement fee. Karamihan sa mga OFW ay gumagastos ng malaki bago sila makaalis papunta sa ibang bansa. Kung magnenegosyo tayo, hindi na natin kakailanganin ang gumastos o umutang ng malaki para lang makipag-sapalaran.



2. Hindi mo na kailangan mangibang bansa para kumita ng  dolyar. Di na kailangan ang mawalay sa iyong mga mahal sa buhay. Gaano kasarap  ang pakiramdam na kasama mo ang iyong pamilya, may sapat na pinagkakakitaan at may oras ka para sa kanila?

3. Hindi mo na kailangang magsilbi sa iba, sa negosyo mo ikaw ang amo, at magkakaroon ka pa  ng oras sa pamilya mo. Nakakalungkot isipin, maraming tayong mga kababayan na halos parang alipin na kung ituring ng kanilang mga amo, mahabang oras ng trabaho, walang day-off, overtime na walang bayad, wala naman  magawa kundi ang magtiis sapagkat kailangan ng hanapbuhay. Kung magkakaroon tayo ng sariling negosyo, hindi na  dadanasin ang ganong sitwasyon sapagkat tayo na ang amo.. 


4. Magiging buo ang iyong pamilya at mabibigyan mo ng maayos na patnubay ang iyong mga anak dahil kapilang mo sila. Maraming anak ng mga OFW ang mga naliligaw ng landas sapagkat nangangailangan sila ng kalinga at pag-aalaga ng isang magulang. Kung nasa piling tayo nila, mapapalaki natin sila ng maayos at magagabayan sa tama at wastong pamumuhay. Di ba ang sarap kung buo ang iyong pamilya, may-bonding at may oras para magsama-sama?


   
          Kung ikaw ay isang OFW, habang ikaw ay nasa ibang bansa, maari ka na rin magsimula ng negosyo sa Pinas. Sa negosyo mo, hawak mo ang oras mo, ikaw ang may pasya kelan mo gagawin at magkano ang gusto mong kitain. 

          Hindi mo ba gugustuhin ang magkaroon ng isang negosyo na siyang pweding magbigay sayo ng pagkakakitaan para hindi na kailangan pang  mag-abroad? Isang negosyo  na pweding gawin habang nagtatrabaho ka pa dito  abroad, sapagkat pweding gawin ito sa bahay lang, o kahit saan, kasi pwedi itong online, sa facebook, twitter, ym, skype, ym o you-tube man....

          Kaya kung interesado ka na makapagsimula at magkaroon ng isang negosyo para pag -uwi mo sa Pinas ay mayroon ka ng pagkakakitaan, nakahanda ka namin tulungan, panoorin mo lang ang video sa link na ito....

       <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<http://livelibiz.blogspot.com/>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>













Wednesday, October 24, 2012

Bakit Ka Aalis- Magkano ang Sahod Mo?

          Bakit ka aalis papunta sa abroad at magkano ang sahod mo? It is not the matter how much your salary, the bottom line here is it's the way kung paano natin maitatagyod at masusuportahan ang pangangailangan ng ating pamilya. Kya nga pinili nating mag-work   sa abroad at kinakayang mapalayo sa kanila, sapagkat sa kagustuhan natin na maibigay sa kanila ang magandang buhay.

          Bago ko ipagpatuloy itong aking kwento, gusto ko sanang itanong muna sa iyo kung napanood mo ba ang pelikulang "ANAK" na ginampanan ni Vilma Santos at Claudine Barreto? It's my first time in working abroad, and that time wala pa akong anak, kya habang pinapanood ko ang video na yon, nakakarelate ako kay Claudine. Ang isang anak na naghahanap ng kalinga ng isang ina na laging nasa abroad para magtrabaho. Pero ngayong nagkaroon na ako ng  anak, nakakarelate nman ako kay Vilma, isang magulang na nagsakripisyo para sa pamilya. Ngayon ko lang na-realized that this video was teach me a lesson, being a son of former OFW, and now isa naman akong ama na OFW.. The real meaning of this vide o bilang isang magulang na OFW,is " sapat ba talaga o kailangan magsakripisyo tayo  para lang maibigay ang buhay na gusto natin para sa kanila, o mas kailangan na ibigay   natin ay ang buhay na kailangan at gusto nila "?

          Meron akong isang konting kwento tungkol sa isang ama na sobrang busy nga sa trabaho. Umaalis ng sobrang aga, tapos uuwi ng gabi  kasi panay ang kanyang overtime sa pinagtatrabahuhan para magkaroon ng extra income. Sa madaling salita, para din sya na isang OFW, laging wala at walang oras sa pamilya, ang pinagkaibahan lang ay nasa Pinas sya.

          Isang araw, umuwi sya ng gabi na, halos pasado alas onse na ng gabi yon. Pagdating nya, gising pa pala ang kanyang anak.. Sinalubong at niyakap pa sya nito.

          Naupo sya sa sofa at binigyan ng kanyang anak ng tsinelas na pambahay. habang hinuhubad nya ang kanyang medyas, nagtanong ang bata.


anak: papa, magkano ang sweldo mo sa isang oras?


papa: (nabigla sa tanong ng anak) ha, bakit mo naman naitanong yan?


anak: sige na papa, sabihin mo na sakin magkano ang sweldo mo....


papa: alam mo anak, hindi ko pweding sabihin, kahit nga si mama mo eh hindi nya alam kung magkano ang sweldo ko....


anak: sige na papa, promise di ko sasabihin kay mama


papa: (nakumbinsi din) . sige. sikreto lang natin to ha? ang sweldo ko sa isang oras ay P300 ( mataas siguro ang posisyon nya sa company)

       
anak: wow, ang laki pala!

papa: anak, wag mo lakasan, baka marinig ng mama mo


anak: opo, oo nga pala papa, meron po akong hihilingin sa'yo....


papa: sige anak, ano un?


anak: pwedi po bang humungi ng P150.00?


papa: (nagtaas ng boses) lokong bata to ah! kaya pala nagtatanong dahil gusto lang humingi.... yan ba ang natutunan mo sa school?


anak: ( di nakakibo ang anak....napahiya....dahan-dahang tumayo, biglang umiyak at tumakbo sa kanyang kwarto....


papa; ( naiwang mag-isa ang ama at biglang nag-isip) saan niya kaya gagamitin ang P150? baka ba na-addict na yun sa computer games gaya ng dota, counter strike atbpa....(maya-maya) nakakaawa naman....sige na nga pagbigyan ko na lang.....biglang tumayo ang ama at kinatok ang pinto ng bunsong anak.


papa: anak, o sige na, eto na ang P150 mo....


anak: (binuksan ang pinto, nagpahid ng luha, sabik na sabik na tinanggap ang malutong na papel na P150, tumakbo sa kama niya, inangat ang kutson. Sa ilalim ng kutson nya eh maraming nagkalat na barya, binilang nya yun, at ng makita niyang sapat na, tumakbo siya palapit sa papa niya. Iniangat niya ang dalawa niyang kamay, punong-puno ng pinagsamang barya at ng P150 na papel at sabay sabi sa papa niya:
  
   " papa, eto po ang P300. Pwedi ko pong bilhin ang isang oras mo at maglaro tayo?"

***********************end of story*******************************************


          Ano ang lesson sa kwento? Alam natin bilang mga Ofw, sabik na din tayong makasama at makapiling ng ating pamilya, ng ating mga anak. Alam din natin na hindi lang naman mga material na bagay ang kailangan nila, pero dahil sa pagmamahal natin sa kanila, ginagawa natin ang lahat para lang maibigay ang buhay na hindi natin naranasan. We are always looking forward for the better future of our child, kahit na alam naman natin minsan na gustong-gusto na din nila tayo makasama.


         Bilang isang anak ng dating OFW at bilang isang amang OFW ngayon, naramdaman ko at naramasan ko ang mga bagay na yan, na siyang nagmulat sken para maging bukas sa mga opportunidad na dumadating sa aking buhay. We have only same time in a day, at nasa aten na kung paano natin gagamitin ang mga oras na 'yon,  Sabi nga nila, time is so short, mahalaga na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. I'am not saying na uuwi na tayo at wag mag-abroad, what i want to share to all of you is kung papaanong paraan pweding wag tayo magtagal dito sa abroad. 


          Ang buhay pala natin dito sa abroad ay umiikot lang kung papaano kumita ng pera at kung papaano makakapgsave ng malaki para makauwi na sa Pinas.Kung hindi madadagdagan ang ating sahod bilang isang OFW, kailangan ay mayroon tayong paraan upang magkaroon ng extra income. Di ba malaking tulong kung magkakaroon ka ng extra income bukod sa buwanag sahod mo? Di ba malaking tulong ito sa buwanang pinapaladala mo sa pamilya mo o sa buwanang savings mo?


          Ang daming mga opportunity at paraan pala para magkaroon ng extra income. Kailangan lang ay maging bukas ang ating isip nat willing tayong gawin ito. isang halimbawa na dito ay ang pagkakaroon ng isang Homebased-business na pwedi gawin habang nag-iinternet at nag-pe-facebook. karamihan kasi sa ating mga OFW ay laging nakaonline at naka-facebook, bakit kaya hindi natin ito gamitin upang kumita ng extra?Di ba mas maganda kung uuwi tayo ng Pinas ng may sapat na ipon, at may isang negosyo na uuwian na magbibigay sa aten ng pagkakakitaan para hindi na kakailanganin na muling umalis?


          Maraming paraan kabayan kung gugustuhin. Kung interesado ka na magkaroon ng isang negosyo at interesado ka kung papaano gagawin ito, nakahanda ka namin tulungan. Pwedi natin simulan ang isang klase ng negosyo habang nagtatrabaho pa tayo dito sa abraod, para kung sakaling magpasya tayo na magbalik na sa Pinas, ay mayroon na tayong negosyo at pagkakakitaan. Wala ng sasarap pa sa buhay na may sapat na pinagkakakitaan, kasama ang pamilya at may oras para sa kanila. Mangyayari lang ito kung may isang negosyo tayo.


              " Kung Gusto mo ng Pagbabago, kailangan na may Gawin ka na Bago!"


          Kung interesado ka, panoorin mo lang ang video na ,to!


    





Sunday, October 21, 2012

Buhay Abroad: Pangarap o Paghihirap?

          Kung papasyal ka sa POEA at sa mga Overseas Manpower Agency sa Manila, dagsa ang mga kababayan nating mga aplikante na nagbabakasakaling makaalis at makapagtrabaho sa  abroad. Kadalasang reasons nila ay ang kawalan ng hanapbuhay sa ating bayan at upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.

          Karamihan sa ating mga kababayan na umaalis papunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay ay handang makipagsapalaran kapalit ang maayos na pamumuhay. Tanging lakas ng loob  ang sandata at bitbit ang mga pangarap at pag-asa para sa pamilya.

         Bilang isang OFW sa loob ng halos mahigit na walong taon, sari-saring  mga kuwento na sumasalamin sa buhay ng mga OFW ang aking nasaksihan. ang buhay na hindi biro at puno ng pagsasakripisyo. Sa mga panahong iyon, masasabi ko din na ang magtrabaho sa abroad ay parang isang sugal, nakataya ang iyong kapalaran sa pagkat umaalis ka ng walang kasiguraduhan sa bansa na pupuntahan.

          Tunay nga na sila ang mga bagong bayani ng bayan, hindi lamang dahilan sa kanilang mga remittances, sapagkat sa kanilang buong pusong pagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.  Sa halos sampung kababayan natin na nakakausap ko, halos anim-wal0 sa kanila ang nagtitiyaga lamang sa mababang sahod, nagtitiyaga sa hindi maayos na working condition, subalit pinagtitiisan nila para sa mga pangarap nila.

          Ano nga ba ang silbi ng pagiging isang OFW kung ito nman ay puno ng paghihirap?Kya nga umalis ay upang guminhawa, pero bakit pagsasakripisyo ang naging kapalit? Ano nga ba ang tunay na diwa ng pag -aabroad, para ba sa Pangarap o para sa Paghihirap?

          Kung mapapansain po natin ang ating mga kababayan, abroad-bakasyon, uwi-abroad, yan ang nagiging buhay nila, sapagkat kapag nag-abroad ka, hindi nman ganon kadali lang kimita ng pera. Sabi nga nila, "Hindi kami bangko".

        Isa ito sa  Reality -Life check ng mga OFW sa Dubai.
        
        Even Filipino Working Abroad Struggling For Money as a Surveys Says...

       Normal Income of OFW         = dhm. 3,000 x (11.5)
             
               Monthly padala :  dhm. 1,500
               House Rent       :  dhm     500
               Food                 :  dhm     300
               Elec/water       :   dhm.    100
               Celphone load  :   dhm.    100
                _______________________
               Total :     dhm. 2,500 expenses

               SAVINGS = dhm. 500 ( Hopefully every month.

                  How Much Money You Take Home?
                  - ave. working year  abroad of OFW  is 10 yrs.
                 -  500 dhms x 12 mos= 6000 dhm
                - 6000 dhms x 10 years = 60,000 dhms
                - 60,000 x 11.5= P 690,000




                  Tanong mga kabayang OFW...


                - after 10 yrs, ano ang kayang magawa mo sa P690,000?

                - magkano ang present salary mo?

                - magkano ang present monthy savings mo?

                - kaya mo ba tumagal ng 10 yrs o mahigit pa sa abroad?

       
          Paano mo maaabot ang simpleng buhay na gusto mo? Ilang taon at magkano ang savings  mo kada buwan para pwedi ka na umuwi sa Pinas at mag settle down kasama ang iyong pamilya sa simpleng buhay na pangarap mo?

          It's the right time live in reality mga kabayan. Working abroad is just to sustain the needs of our family  at hindi para sa katuparan ng ating mga pangarap. Ilang OFW na ba ang nakilala mo na after 5 ay umuwi na at nag for goods na? Ilang Ofw na din ba ang nakilala mo, na halos mahigit limang taon ng pabalik-balik sa abroad, kailangan kumayod, at magsakripisyo upang maitaguyod ang pamilya?

          Mga kabayan, , walang masama sa pagiging OFW natin sapagkat ito ang paraan na ibinubuhay natin sa ating pamilya, pero mas maganda po sana if magiging bukas ang ating isipan sa pagnenegosyo. Maari po tayong magsimula ng negosyo habang nagtatrabaho dito sa abroad, para sa panahong maisipan nating umuwi na s a Pinas, mayroon tayong pagkakakitaan.

        Wala na pong sasarap pa sa buhay na kasama natin ang ating pamilya , may sapat na pinagkakakitaan at may oras para sa isat -isa.

        Kung interesado ka kabayan na magkaroon ng isang negosyo, nakahanda po kaming tumulong at gabayan kayo. Panoorin nyo lang po ang video sa baba, para magkaroon kayo ng idea.


        " Kung Gusto mo ng Pagbabago, Kailangan na may Gawin ka na Bago".....


           




Monday, October 15, 2012

Bakit Ka Nag-Abroad?

          Ilang araw na lang at matatapos na ang aking kontrata at papauwi na akong muli sa Pinas. Hindi na ako nag-renew ng panibagong kontrata sapagkat halos wala namang nangyari sa mahigit tatlong taon kong pagtatrabaho sa abroad. Habang iniisip ko ang mga bagay na pwedi ko gawin kapag nakauwi na ako, biglang sumagi sa aking isipan ang mga dahilan kung bakit nga ba mas pinili ko pa ang magtrabaho sa abroad, gayong meron naman akong maayos na tranaho noon. After kong maalala ang mga reason na 'yon at ma-analized ng mabuti, nakakalungkot isipin na halos wala palang nangyari sa pagtatranaho ko sa abroad, sapag naging paraan lang pala itopara sa survival ng pangangailangan ng aking pamilya.

      Bigla kong naisipan na gumawa ng survey sa mga katulad kong OFW that asking what are their primary reason why they choose to work abroad. I post my survey questions sa mga different OFW groups sa facebook. Ang daming mga OFW ang nag-reply, may mga taga Hongkong, Saudi, Dubai, Bahrain, Taiwan, Singapore, Canada, Spain at marami pang iba. Tatlo sa majority main reasons ang aking kinuha mula sa mga taga iba-ibang respondent.At ang mga ito nga ang mga sumusunod.

  Una: Para magkaroon ng hanapbuhay at income para matustusan at maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya.

  Pangalawa: Para mapapag-aral ang kanilang mga anak, spagkat naniniwala sila na ang edukasyon ang magandang pamana sa mga anak.

  Pangatlo: Para makaipon at makapagtayo ng kahit maliit na negosyo. Based on this 3 major reasons, I can conclude na maraming mga OFW ang nakipagsaparan sa ibang banda dahilan sa kawalan ng income opportunity at employment security sa ating bayan. Marami sa ating mga OFW ang nagtitiyaga at nagtitiis na lang dito sa abroad upang kumita upang maitaguyod ang pamilya. Pero nakakalungkot sabihin na ang ating pagtatrabaho sa abroad ay hindi daan para sa katuparan ng ating mga pangarap bago tayo lumipad patungo dito sa ibang bansa. Karamihan sa mga OFW, ilang taon ng nagtitiyaga sa abroad, hindi makauwi-uwi sapagkat walang sapat na ipon at nangangamba sa magiging buhay kung mamalagi sa Pinas.

      This is now the right time to change our mindset. Nakasanayan na kasi natin ang magwork sa abroad ng kahit 5-1o years, mag-ipon, at kapag umuwi sa Pinas ay magtayo ng kahit sari-sari store or kaya ay bumuli ng jeep para magkaroon ng income. Gusto ko lang po na malaman nyo, masuwerti tayo at work dito sa abroad, maaring may maayos na kinikita, pero sa kabilang banda, sobrang daming mahahalagang oras po ang nawawala sa atin. Lumalaki ang ating mga anak na hindi natin nakakasama, nagkakasakit ang ating kapamilya na hindi natin maalagaan, ilang okasyon ang wala tayo, kung minsan pa nga, sumasakabilang buhay na lang ang kapamilya ay hindi pa natin maihatid sa huling hantungan.

      What I like to emphasize is bakit pa natin hahayaan na magtagal tayo dito sa abroad if pwedi naman na mapadali natin. Ang kailangan lang ay ang madagdagan ang ating kinikita para nadadagdagan din ang ating savings. Pwedi naman tayong magsimula ng isang negosyo habang nagtatrabaho tayo dito sa abroad. Isipin po nating mabuti, malaking tulong kaya kung magkakaroon tayo ng extra income? malaking tulong ba ito sa buwanang pinapadala natin at sa buwanang savings natin? Di ba ang ganda kung makakapgsimula tayo ng isang negosyo habang nagtatrabaho dito sa ibang bansa, sapagkat kung magustuhan nating mamalagi na sa Pinas, may sapat tayong pagkakakitaan sa piling ng ating mga mahal sa buhay.

      Kung interesado ka na magsimula ng negosyo at kung papaano, maari mong panoorin ang video sa baba. Tandaan po natin, 

" Kung gusto mo ng pagbabago, kailangan na may gawin ka na bago"...






Friday, October 12, 2012

OFW Ka Ba na Tulad ni JUAN, Adik sa Facebook?

                 Kuwento ko lang ang aking naging kasama sa abroad, itago natin sila sa pangalan na Juan at Pedro . Masyado silang naging adik sa paggamit ng internet, facebook, dota,  anu-ano pang mga bagay  na pinagkakaabalahan sa internet. Minsan nga talagang nalilipasan na ng gutom makapag-internet lamang. Madalas laging puyat, ilang oras lang natutulog dahil talagang laging babad sa internet. Sampung oras sila nagtatrabaho sa  company, tapos paglabas nila galing sa work, internet kaagad....sobra addicted na talaga. Sabagay hindi nman natin sila masisi, kasi iyon lang naman talagang libangan nila bilang mga OFW.

               Marahil, nakakarelate din kayo sa kwento ko, kasi tayong mga OFW, halos laging online, kailangan natin maglibang upang makaalis ng homesick. Malaking tulong kasi ang internet sa ating buhay-ofw ngayon,  araw-araw na pwedi mong makikita at makakausap ang iyong pamilya.

           Tanda ko noong una kong tapak sa abroad, sa SAUDI- ang disyerto ng middleast, 10 years ago. Ang uso pa noon ay ang sulat, sobra busy kami noon sa pakikipagpenpal, paramihan ng sulat, yun nga lang halos isang buwan bago ka makatanggap ng bagong sulat at nakikipagkuminikasyon ka na sa picture mo lang nakikita. I know, marami din ang nakakarelate dito, pero ito kasi ang way para makaiwas sa homesick.

          Balikan natin ang kwento ko tungkol  kay Juan sobra addict sa internet. Akala ko  siya na ang hari  ng internet, yun pala may katapat sya, si Pedro  naman, halos pareho sila na addicted sa paggamit ng internet.Pero ang pinagkaibahan lang nila, ay kung ano ang pinagkakaabalahan  nila sa pag-iinternet.

          Si Pedro naman pala ay mga mga pinagkakakitaan sa paggamit ng internet kaya madalas siyang laging online at laging nakikipagkaibigan sa facebook. Kung si Juan ay napupuyat lang sa wala nman kabuluhan sa pag iinternet, itong si Pedro naman pala ay kumikita habang gumagamit ng internet at facebook..... kung iisipin natin, WISE pala si Pedro.

          Sabay na natapos ang kontrata ng dalawa at halos magkasabay din silang umuwi ng Pinas. Si Juan, walang masyadong naging ipon, kasi madalas na absent sa trabaho, nagkakasakit, kasi nga sobrang magpuyat eh. Sabi nga niya pagkauwi  ng Pinas, magpapahinga lang siya ng ilang buwan at mag-aaplay ulet pabalik sa abroad. Samantalang itong si Pedro naman, nagpasya na lang muna na mag for good sapagkat may sapat naman daw siya na ipon at may negosyo na magagawa nya ng nasa bahay lang, habang kasama nya ang kanyang pamilya. 

          Marahil nakakarelate kayo sa kwento ko di ba? Kasi halos karamihan sa ating mga OFW ay mga addicted na din talaga sa internet. Mahirap ang mabuhay sa abroad ng walang internet. Pero kung papipiliin kita, kung sino ang pipiliin mo sa dalawa sino ang pipiliin mo, si Juan ba o si Pedro?

          Tama naman kasi ang sabi ni Pedro, kung OFW ka na laging gumagamit ng facebook at internet, bakit hindi mo ito gamitin para kumita ng extra. Kaya nga tayo nag-abroad diba, para makaipon at para matupad ang ating mga pangarap. Kasi sabi nya, malaking tulong ba syo bilang isang OFW kung may extra income ka kada buwan? Malaking tulong na ba ito para sa buwanang pinapadala mo sa Pinas, o sa buwanang savings mo? Maganda pa daw dito, kung makakapagsimula ka ng isang homebased business habang kumikita ka ng dolyar dito sa abroad, kpag umuwi ka ng Pilipinas, sure na may pagkakakitaan ka at hindi mo na kailangan na mapalayo sa pamilya. Okey naman ang payo ni Pedro di ba?

          Kaya ikaw? sino ang gusto mong maging sa dalawa, si Juan ba o si Pedro? Kung si Pedro ang sagot mo, hayaan mong i-share ko sa iyo ang isang opportunity na pweding magbigay sayo ng extra income habang gumagamit ka ng internet. Malay natin, ito na rin ang maging daan para tuluyan na tayong hindi mapalayo sa ating pamilya. Masarap ang nasa piling ng mga mahal sa buhay, lalo na kung may sapat na pagkakakitaan...

         Kung interesado ka sa opportunidad na sinasabi ko, maari mong panoorin ang video na ito na magtuturo syo kung papaano. ( Click the Photo to watch the video)